Modelong Tyler ng Pagsusuri sa Kurikulum ni Abegael Rubia
Modelong Tyler ng Pagsusuri sa Kurikulum https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.jstor.org%2Fstable%2F20405236&psig=AOvVaw008a0bTnN6eOPTM3R2LOTk&ust=1649389609578000&source=images&cd=vfe&ved=0CAsQjhxqFwoTCKDhhc2KgfcCFQAAAAAdAAAAABAD Ang modelong ito sa pagtataya ay isang uri ng paikot-ikot na modelo na sa tingin ko ay epektibo upang patuloy na magkaroon ng inobasyon at pagbabago para sa ikabubuti ng mga mag-aaral kung saan hahantong ito sa mga pagbabago ng mga layunin kasabay ng pabago-bagong pangangailangan ng bawat henerasyon. Kung titingnan ang rational-linear na modelo ni Tyler sa pagbuo ng kurikulum, makikitang nagsimula ito sa lipunan, mag-aaral at paksa—mula sa layunin tungo sa ebalwasyon. Ang pag-aaral ay dapat maging makabuluhan sa konteksto ng mag-aaral at kanyang komunidad na tiyak makakamit kung gagamitan ng angkop na disensyo’t modelo na organisado para sa kanilang karanasang pampagkatuto kung saan nasusuri ang nat