Modelong Tyler ng Pagsusuri sa Kurikulum ni Abegael Rubia

 Modelong Tyler ng Pagsusuri sa Kurikulum

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.jstor.org%2Fstable%2F20405236&psig=AOvVaw008a0bTnN6eOPTM3R2LOTk&ust=1649389609578000&source=images&cd=vfe&ved=0CAsQjhxqFwoTCKDhhc2KgfcCFQAAAAAdAAAAABAD

        Ang modelong ito sa pagtataya ay isang uri ng paikot-ikot na modelo na sa tingin ko ay epektibo upang patuloy na magkaroon ng inobasyon at pagbabago para sa ikabubuti ng mga mag-aaral kung saan hahantong ito sa mga pagbabago ng mga layunin kasabay ng pabago-bagong pangangailangan ng bawat henerasyon.

       Kung titingnan ang rational-linear na modelo ni Tyler sa pagbuo ng kurikulum, makikitang nagsimula ito sa lipunan, mag-aaral at paksa—mula sa layunin tungo sa ebalwasyon. Ang pag-aaral ay dapat maging makabuluhan sa konteksto ng mag-aaral at kanyang komunidad na tiyak makakamit kung gagamitan ng angkop na disensyo’t modelo na organisado para sa kanilang karanasang pampagkatuto kung saan nasusuri ang natutunan para makita ang mga pagbabagong kailangan pang gawin.



Inilathala ni:

Abegael Rubia | PNU-Min



Comments